Isang Araw

"ISANG ARAW"
April 13, 2022, Edited By Justin Dane


                        Isang bagong araw nanaman ano? Mga importanteng gawain, pagpapahinga, paglalaro, at iba pang mga gusto mong gawin ngayon. Ikaw, ano ang ginagawa mo tuwing nagigising ka tuwing umaga?

            Baka gusto mong simulan ang araw mo sa pamamagitan mg pagligo at kumain, tapos mag-ehersisyo o makilaro sa mga kaibigan mo. Alam naman natin na iba't iba ang mga plano na naiisip natin kung ano ang mga gagawin sa araw na ito. Maaring manood ng Netflix, YouTube, at iba pa. Ngayon ay sasabihin ko kung ano ang mga ginagawa ko at ang aking mga kinagigiliwang libangan.

                      
            Alam naman nating lahat ay sinisimulan nating lahat ang ating araw sa pamamagitan ng pag-aayos ng ating higaan, ayaw naman natin na magiging makalat ang itsura ng higaan. At magwarm-up upang magising ang ating katawan at hindi sasakit. Pagkatapos ay kumain. Mahilig akong kumain ng mga prutas at pag-inum ng gatas. Nakakatulong ito sa pagiging malusog ang ating katawan. Kailangan ng tulong sa bahay dahil merong trabaho ang ating mga magulang, kaya ako ang taga-hugas ng pinggan at pagwawalis. 

            Pagkatapos kung gawin ang aking mga trabaho sa bahay, ako ay maglalaro ng basketball. Nakakatulong ang basketball sa pagpatulis ng utak, dahil mag-iisip ka ng iba't ibang stratehiya upang matalo ang iyong kalaban. Nakakatulong rin ito sa pag-eehersisyo para maging malakas ang ating katawan. Tulad ng sinabi ni Bill Russell na isang basketbolista, - “The idea is not to block every shot. The idea is to make your opponent believe that you might block every shot.” 






Mahilig rin ako sa pagguhit ng mga larawan. Tulad ng mga iba't ibang mga hugis at karakter na naiisip ko. Pag-ginagawa ko ito, nakakatulong ito sa pag-iisip ng maraming ideya at nakakatulong it
o kung may gagawin akong mga aktibidad sa eskwelahan. Pagkakaroon ng malawak na imahinasyon ay maganda at masaya.












Alam ko na meron kayong mga gawain na nagugustuhan ninyo na inaasikaso at ginagawa. Paglalaro ng Mobile Games, manood, mag-facebook, at iba pa. Sa tingin niyo, maari niyo bang sabihin sa amin? 
Maganda kung ganon :). Maraming salamat sa pagbasa. Hanggang sa muli :D

Comments